Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Pananalangin
at Pamamanata
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
ANG
MGA PAGKAIN NA DAPAT NATING KAKAININ
Palagi nating pinagtatakhan na may mga taong
nabanggit sa Banal na Aklat na nabuhay ng mahabang panahon, na kung ihahambing
sa ating kasalukyang salinlahi ay napaka laki ng agwat ng haba ng buhay noon at
ngayon. Ito ba ay totoo o isang alamat lamang?
Nang tayo ay kumain ng laman ng mga hayop at mga
iba pa, umikli ang buhay natin.
Ang tanong ni Maestro Evangelista: Tungkol sa mga
hayop, sa anong dahilan at sila ay nilikha ng Dios? Sila ba ay nilikha upang
ating
maging pagkain?
Ang mga tolda ng mga tulisan ay gumiginhawa,
At silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay;
Na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng
sagana.
Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at
tuturuan ka nila:
At ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang
sasaysayin sa iyo:
Job 12:6-7 (TAB)
Hindi, sapagka't nilikha sila upang magturo
lamang sa atin para sa
pagpapabuti ng ating pamumuhay. Ipinakita na ito ang tunay na nakatulong sa
pagpapalago ng ating kaalaman tungkol sa teknolihiya.
Tungkol sa paglipad, natutunan natin ito sa mga
ibon at insekto, tungkol naman sa mga barko at submarino, mula ito sa mga
isda at mga ibang hayop, at sa paggagamot - sinusubok muna natin sa mga hayop ang gamot
bago ito gamitin sa mga tao.
At kinain natin ang laman ng mga hayop at ginawa
pa nating
pagkain, nguni't ano ba ang bilin ng Dios tungkol dito?
At binasbasan ng Dios si Noe at ang
kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at
magpakaramiat inyong kalatan ang lupa.
At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay
mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat
ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay.
Genesis 9:1-2 (TAB)
Binigyan lamang tayo ng Dios ng kapangyarihan sa
kanila, ibinigay sa ating mga kamay nguni't hindi bilang pagkain natin.
Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya
ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.
Genesis 9:3 (TAB)
Bagama't pinayagan sila ng Dios na kainin ang mga
laman ng hayop, sila ay sinubok kung kanilang nauunawaan ng tunay ang Kanyang tagubilin sa
Genesis 1:28-30.
Ano ang katunayan nito? Magkakaroon ba ng mga
kahihinatnan ang pagkain natin ng mga laman ng hayop?
Nguni't ang lamang may buhay, na siya
niyang dugo, ay huwag ninyong kakainin.
At tunay na hihingan ko ng sulit ang
inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: sa kamay ng bawa't ganid ay
hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawa't kapatid ng tao
ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao.
Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan
ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka't sa larawan ng Dios nilalang
ang tao.
Genesis 9:4-6 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista, sinalita na ng
Dios noon na kung tayo ay kakain ng laman ng mga hayop ay may kahihinatnan ang
gayon sa atin. Ito ang panahon na ang mga tao ay dumanas ng mga sakit na may
kaugnayan sa dugo natin - hypertension, cancer, high blood pressure, at iba pa.
Kaya't bago pa man sa panahon ng mga tao ni Noah,
mula kay Adan at kanyang binhi, sila ay nagsikain ng mga gulay at mga bunga, ang
kanilang buhay ay mahahaba:
At nabuhay si Adam ng isang daan at
tatlong pung taon, at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang kawangis na hawig
sa kaniyang larawan; at tinawag ang kaniyang pangalan na Set:
At ang mga naging araw ni Adam ,
pagkatapos na maipanganak si Set, ay walong daang taon: at nagkaanak ng mga
lalake at mga babae.
At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan
at tatlong pung taon; at siya'y namatay.
Genesis 5:3-5 (TAB)
Ito ang patunay na kanilang sinunod ang tagubilin
ng Dios, namuhay sila ng matagal.
At sa ibibigay na isa pang halimbawa na alam ng
karamihan sa atin:
At nabuhay si Matusalem ng isang daan at
walong pu't pitong taon; at naging anak si Lamec:
At nabuhay si Matusalem pagkatapos na
maipanganak si Lamec, ng pitong daan at walong pu't dalawang taon; at
nagkaanak ng mga lalake at mga babae;
At ang lahat na naging araw ni Matusalem
ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay.
Genesis 5:25-27 (TAB)
Dahil hindi sila nagsikain ng laman ng mga hayop
noong kapanahunan nila. Ito ang aral na kung ang tao ay susunod sa Dios at
kakain muli ng mga gulay at mga bunga lamang, ang susunod na salinlahi ay
magkakaroon ng mahabang buhay. Sa ating panahon, sisimulan nating turuan ang
ating mga anak na gawin ito upang ang kanilang mga anak din ay magkakaroon din
ng mahabang buhay.
Kaya't ng isipin nila na sila ay pinayagan (sa Genesis 9:1-6) na kainin ang laman ng mga hayop, nakalimutan nila ang
kahihinatnan na magbabayad sila sa dugo ng mga hayop ng kanilang sariling dugo
din. Totoo ba ito?
Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay
pitong pung taon,
O kung dahil sa kalakasan ay umabot ng
walong pung taon;
Gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay
hirap at kapanglawan lamang;
Sapagka't madaling napapawi, at kami ay
nagsisilipad.
Awit 90:10 (TAB)
Hindi baga ito ang haba ng ating mga buhay sa
ating kasalukuyang salinlahi?
Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga
bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala,
o mapapasa isip man.
Isaias 65:17 (TAB)
Ang sabi ni Maestro Evangelista, maaari pa nating
maibalik ang pagkakaroon ng mahabang buhay kung ating pakikinggan at uunawain
ang Mensahe ng Dios - sundin ang Kaniyang mga Kautusan! May pag-asa pa ba na
maibalik ang pagkakaroon ng mahabang buhay?
Naipangako na noon ng Dios ang mga ito, at walang
nakakaalam nito noon:
Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak
magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na
kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.
Isaias 65:18 (TAB)
Nang ibinigay ang pahayag na ito, ang bayan ng
Jerusalem ay nakatayo na sa Gitnang Silangan at ang kasalukuyang kalagayan
nito ay hindi mapayapa. Nangangahulugan na ang bayang binabanggit sa pahayag ay ibang bayan, ang Bagong Jerusalem.
At ako'y magagalak sa Jerusalem, at
maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa
kaniya, o ang tinig man ng daing.
Isaias 6:19 (TAB)
Ito ang Pangako ng Dios sa Kanyang bagong bayan.
Wala ng paghihirap at kamatayan na dulot ng mga sakit at sakuna. Wala nang Sumpa.
Ano ang ating kalagayan sa mga panahong ito?
Hindi na magkakaroon mula ngayon ng
sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga
kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang,
at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.
Isaias 65:20 (TAB)
Ito ang buhay na puno ng pagpapala: mahabang
buhay at wala na ang mga sakit at pagsasalot. Masagana at malusog na bayan.
Papaano?
At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at
ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangag-uubasan, at magsisikain
ng bunga niyaon.
Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan;
sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga
kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking
bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang
mga kamay.
Isaias 65:21-22 (TAB)
Oo, ito na ang pangako ng mahabang buhay. Kung
sisimulan na nating kainin ang mga pagkaing ibinigay sa atin ng Dios noon.
Kumain na tayo ng mga gulay at bunga lamang! Mabubuhay tayo ng mas mahaba kaysa
haba ng buhay na ating dinadanas sa kasalukuyan.
Ito rin ang panahon ng kapayapaan, kaligtasan at
kasaganaan. Bagaman ang pahayag ay binabanggit ang mga pinili ng Dios,
nangangahulugan na may mga hindi pipiliin ng Dios. Sino-sino sila? Sila ang mga
taong hindi pakikinggan ang mga Mensahe ng Dios.
Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o
manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala
ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
Isaias 65:23 (TAB)
Papaano natin malalaman na ang Dios ay sumasaatin
na? Ano ang palatandaan?
At mangyari, na bago sila magsitawag,
sasagot ako; at samantalang sial'y nangagsasalita, aking didinggin.
Ang lobo at ang kordero ay manginginaing
magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang
magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking
buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
Isaias65:24-25 (TAB)
Ito na rin ang panahon na ang ating mga
panalangin ay didinggin na ng Dios!
Kapayapaan at kasaganaan, ito ang bagong panimula
ng mga ipinangako ng Dios, mangyayari ito kung tayo ay manunumbalik sa
tunay na Dios at sundin ang Kanyang mga Kautusan.
Maitatanong natin: Ano ang kabutihan ng pagkain
ng mga gulay at bunga?
Nang magkagayo'y sinabi ni Daniel sa
katiwala na inihalal ng pangulo ng mga bating kay Daniel, kay Ananias,
kay Misael, at kay Azarias:
Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang
iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain,
at tubig na mainom.
Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga
mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng
hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod.
Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na
ito, at sinubok niya sila ng sangpung araw.
At sa katapusan ng sangpung araw ay
napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa
laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari.
Daniel 1:11-15 (TAB)
Iniiwan namin sa inyo ang pagmumuni-muni sa bagay
na
ito. Kung nais ninyo na magkaroon ng mahabang buhay, ito ang paraan. Nasasa inyo ang pagpapasya. Free will! Walang pilitan.
Bumalik sa
Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Punong Kahoy ng Buhay
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|